Ang B{ai}bayin.com™ ay isang Baybayin AI Sandbox o platform kung saan ang eksplorasyon at eksperimentasyon ng AI o artificial inteligence ay isinasagawa upang makalikha ng mga mabisa at kagamitgamit na mga apps or web apps para sa pag-aaral, pagtuturo at pagpapalaganap ng Baybayin.
Ang mga nariritong apps at web app ay gawa sa tulong ng AI at tumatakbo sa pamamagitan ng AI na gumagamit ng LLM o Large Language Model. Karamihan ay nasa Beta version pa lamang at maaring magbago o patuloy na pinapayabong para sa mas maayos at mabisang karanasan ng gamit ngBaybayin at AI.
Ito ay likha ni G. John NL Leyson (libre nyo naman sya ng ko-fi 😊) sa ilalim ng RESVRGAM ai sa London, UK.